
Dahil tag-ulan na naman, pinaalalahanan ng Maritime Industry Authority (Marina) ang publiko na laging tandaan ang kanilang 10 M’s para maging ligtas sa pagbiyahe sa karagatan.
Narito ang 10 M’s ng MARINA para sa mas ligtas at mas komportableng byahe sa dagat tuwing tag-ulan:
1.MAGTANONG kung ilan ang kapasidad ng barko
2. MAGLAAN ng oras para makapirma sa passenger list
3. MANUOD ng safety demonstration
4.MANATILING nakaupo sa buong biyahe
5.MAGSUOT ng life vest para sa kaligtasan.
6.MAGLAAN ng espasyo para madaanan sa loob ng barko
7.MAGING alerto at alamin kung saan ang emergency exit
8.MANATILING mapagmatyag sa mga otoridad sa barko
9.MANGHINGI ng tulong kong kinakailangan
10.MAKIISA sa pagpapanatili ng kalinisan ng barko.
0 Mga Komento
Let us know your thoughts!