6 Best things sa magarbong Team Kramer mansion


Loading...

Sobrang Blessed! Ito ang karamihang reaksyon ng mga netizens sa Team Kramer dahil nakuha na nila ang inaasam-asam na dream house at hindi basta-basta na bahay lang kung di ito ay isang mansyon.


Kaya naman umagaw ng pansin ito sa online world at pinag-usapan ng husto.

Ngayon, sa daming mga magagarang bagay at magarbong spaces na inilista nila at maiilista sa mansyon nina Chesca Garcia at Doug Kramer ay aming inilista ang 6 best things dito.

1. Home Automation System


Ang bonggang automated system ng kanilang mansyon at nagbigay pa ng pa-sample si Doug at mga anak nang na sa sosyaling man's cave sila ng pamilya.

2. Gold Elevator


Agaw-pansin rin ang elevator sa gilid ng hagdanan ng mansyon ng team Kramer at lalong pinag-usapan ito dahil sa gold na disenyo.

Kuwento pa ni Doug, gusto raw ng kanyang ina ang gold kaya nakabuo siya ng ganyang disenyo sa kanilang elevator.

3. Home Theater


Agaw-pansin rin ang kanilang bongga at high-tech na home theater na mas magarbo pa sa sinehan dahil bukod pa sa automated system nito ay may magagarang reclinable chairs pa na mas lalong pinaganda at pinabongga ang panonood mo ng movie.

4. Pool Area


Hindi rin nagpapahuli ang kanilang malaking pool at ang poolside grill area nila na parang nasa isang resort ka.

5. The Gorgeous View


Ito rin ang pinakapaborito ni Chesca ang maaliwalas na hangin, tahimik na paligid, at ang magandang view sa labas ng kanilang mansyon.

6. Helpers' Rooms at Lounge Area


Isa sa pinakamagandang bagay at lugar na ibinahagi nina Chesca at Doug sa kanilang house tour ay ang sariling bahay ng kanilang mga kasambahay sa loob ng kanilang mansyon.

Ginawan nila ng sariling lugar ang kanilang mga kasambahay na kung saan ay bukod sa kani-kanilang sariling mga kwarto ay may sala at dining set din sila.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!


Mag-post ng Komento

0 Mga Komento