Alamin: Mga pwedeng lutuin sa pamamagitan ng coffee maker

Hindi na lang kape ang kayang gawin ng coffee maker.

Mayroon na rin itong iba pang pakinabang pagdating sa pagluluto ng mga pagkain.
Kailangan lamang balutan ng aluminum foil ang ilalim ng coffee maker pot na siyang nagbibigay ng init kung nais magluto ng mga pritong pagkain.
Sino ba namang mag-aakala na pwedeng magluto ng bacon gamit ang coffee maker.




Para sa mas kumpletong almusal, pwede ka ring magprito rito ng itlog o hotdog.
Pak! Tinapay o kanin na lang ang kulang.
Kung ikaw naman ay sumusunod sa iyong diet plan, in pa rin diyan ang coffee maker dahil pwede kang magluto dito ng steamed veggies.




Hindi ba mas pinadali at maaari ka pang kumain ng gusto mong gulay agad-agad!

Favorite ang nilagang itog? Walang problema dahil yakang-yaka rin yan na para ka lamang nagluluto sa electric stove.




No more cravings naman kung grilled cheese sandwich ang nais ng iyong panlasa!




Para naman sa pampainit ng sikmura, hindi aatrasan ng coffee maker kung nais mo ng instant noodles.




Ngayon, hindi mo nalang ilalagay sa sulok ang coffee maker sa dami ng pwedeng pakinabang nito!

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!



Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento