
Mapapakamot ka talaga hindi lang sa ulo kundi pati na sa paa dahil sa alipungang maaaring makuha kung makukulob ang iyong mga paa sa basang sapatos na sinamahan pa ng mikrobyo mula sa tubig baha.
Para maiwasang mabasa ang mga paa, bakit hindi mo subukang gawing waterproof ang iyong sapatos?
Narito ang simpleng paraan para gawing waterproof ang iyong sapatos:
- Kumuha ng walang kulay na kandila.
- Ikuskus ito sa sapatos at siguraduhing malalagyan nito ang kabuuan ng sapatos.
- Kumuha ng hairdryer at tunawin ang wax sa ibabaw ng sapatos. Malalaman mong natunaw na ang wax sa oras na bumalik sa dating nitong kulay ang sapatos.
- Subukan basain ang sapatos at tignan ang nakamamanghang resulta.
0 Mga Komento
Let us know your thoughts!