Anak ng Dating Yaya ng Pamilya Tulfo, Binatikos ng mga Netizens sa Kakapalan ng Mukha


Loading...

Dalawang taon na ang nakalipas nang ipalabas ang episode ng Raffy Tulfo in Action kung saan humingi sa kanila ng tulong ang dati nilang yaya noong mga bata pa sila.


Dahil pamilya na ang turing ni idol Raffy sa Nanay Rosa niya, hindi naman ito nagatubiling tulungan ito.

Kahapon ay inere ang isang episode kung saan bumalik naman ang anak ni Nanay Rosa na si Jolly sa studio upang humingi uli ng tulong.

Walang pagdadalwang isip naman na tinulungan sila ni idol Raffy.

Napagpasyahan na mag-apartment nalang daw sila at magpapadala ng P5,000 kada buwan si idol Raffy upang makabayad sila ng upa.

Subalit hindi ito tinanggap ng anak ni Nanay Rosa na si Jolly.

Ayon kay Jolly, paano daw kung wala na ang nanay niya? Request pa nito sana daw ay sariling bahay na nila at hindi nangungupahan lang.

Di pa nakuntento, nag-request pa kay idol Raffy na sana daw ay dagdagan ang P5,000 para may pangbayad sila sa tubig at kuryente.

Sinabi rin nito na walang trabaho ang asawa niya at maging siya ay hindi sanay magtrabaho.

Panoorin ang video sa baba.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!


Mag-post ng Komento

0 Mga Komento