Bagyong #FalconPh lumakas, signal no. 2 itinaas sa ilang lugar

Bahagyang lumakas ang bagyong #FalconPH at namataan ito 355 kilometrong silangan ng Tuguegarao City taglay ang hanging 65kph at pagbugsong 80kph.

Loading...
Iniakyat na ang naturang tropical depression sa tropical storm.

Nakataas naman ang signal no. 1 sa Batanes, nalalabing bahagi ng Cagayan, northern Ilocos Norte, northern Abra, Apayao, Kalinga, Isabela, eastern Mt. Province, at eastern Ifugao.

Samantalang nakataas ang signal Nnumber 2 sa northeastern Cagayan kasama ang Babuyan Group of Islands.

Inaasahan ang mabibigat na pag-ulan sa ilang lugar maging ang pagbaha at mga landslides.

Hindi naman ligtas ang pagpalaot sa mga karagatan ng Central Luzon, Southern Luzon at Visayas.

Inaasahang nasa labas na ng PAR ang naturang bagyo sa Biyernes, July 19.

Related: #WalangPasok July 17, 2019 (Wednesday)

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!



Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento