Dilag pinagkaisahan ng 5 katao; sex video, ikinalat pa sa social media

Image
Ilo-ilo – Maagang nasira ang kinabukasan ng isang 13-anyos na dalagita matapos pila balde ang inabot nito nang pagpasa-pasahan gahasain ng limakabilang ang kanyang nobyo 4 apat na menor de edad saka ikinalat sa social media ang kanilang sex video, iniulat kaninang umaga sa Iloilo City.

Loading...
Nadakip naman ng Barotac Nuevo Municipal Police Station ang limang suspek na kinilala lamang ang isa sa alyas Patrick, 19-anyos, nobyo umano ng biktima, ng Barangay Poblacion; 17-anyos na residente ng Barangay Guintas; 15-anyos, 16-anyos,  tubong Barangay Tabuc Suba at isa pang 16-anyos na taga-Barangay Cabilauan sa nasabing bayan.

Ayon kay Police Capt. Kenn Albert Lepsia, hepe ng Barotac Nuevo Municipal Police Station, nitong nakalipas na Hulyo 10, naganap ang insidente sa bahay ni Patrick kung saan pinapunta niya umano ang biktima.

Makalipas ang isang araw, nakarating umano sa lola ng biktima ang pagkalat ng sex video ng kanyang apo kaya nagtungo sa bahay ng kanyang anak na ama ng bata para ipaalam ang pangyayari.

Kuwento ni Nena, (di-tunay na pangalan), 13-anyos, pagdating sa bahay ni Patrick, pinapasok siya sa kuwarto at sumama pa apat pang suspek saka siya pinagtulungan gahasain.

Sinabi pa nito na kapag nakakaraos na ang isa ay saka naman susunog ang isa hanggang sa sila ay makatapos at kinukuhanan pa ng video ang ginagawang panggahasa sa kanya.

 Aminado naman ang biktima na walang siyang laban sa lima at tinakot pa siya ng nobyo na huwag ipagsabi kaninoman ang nangyaring panggagahasa sa kanya.


Subalit, nang malaman ng ama na ikinalat pa sa Facebook messenger ang sex video ng kanyang anak, agad siyang dumulog sa nasabing himpilan ng pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Si Patrick ay nakakulong ngayon sa selda ng Barotac Nuevo PNPhabang ang apat ay tinurn-over sa City Social Welfare and Development –Iloilo.

 Inamin naman ng isa sa mga suspek ang ginawa nilang panggagahasa, pero sinabi nitong kagustuhan rin umano ng biktima.

Posibleng madagdagan pa ang kasong kakaharapin ng mga suspek maliban sa Rape dahil na rin pagpapakalat sa social media.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!



Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento