Estudyante, nagdala ng standee ng pumanaw na ina sa graduation day

Tampok ang mga larawan ni Paulo John kung saan kasama niya ang ina sa araw ng pagtatapos nito sa Philippine International Convention Center, Pasay City.


Ibinahagi ni Paulo John Alinsog sa kaniyang twitter ang mga larawan kasama ng caption na,”Sa pinakamaganda kong nanay! Graduate na panganay mo sana happy ka na diyan sa piling ni God. Ito ang gusto mo kaya tinapos ko. Mahal na mahal kita.”

SA PINAKA MAGANDA KONG NANAY! MA, GRADUATE NA PANGANAY MO SANA HAPPY KA JAN SA PILING NI GOD. ITO ANG GUSTO MO KAYA TINAPOS KO. MAHAL NA MAHAL KITA. 😭💕

ALINSOG, PAULO JOHN
Bachelor of Science in Business Administration major in Business Management
SANA CUM LAUDE

View image on TwitterView image on TwitterView image on Twitter

4,820 people are talking about this
“Hindi ko kayo kaya pasalamatan isa-isa kaya iisahin ko nalang salamat sa inyo and be a good child sa inyong mga magulang aanhin niyo ‘yan pagtanda and congrats sa lahat ng mga grumaduate this 2019.”

Ayon sa panayam ng Coconuts Manila kay Paulo John, namatay sa pneumonia ang kaniyang ina na si Carmen noong Agosto 2016.

Inorder nito ang standee sa Josiah’s Event Styling and Catering Services sa Marikina sa halagang P1,500 kasama na ang delivery fee na dinala sa bahay nito sa Cavite. Dalawang linggo naman niya ito inorder sa Catering Services bago ang graduation day.

Naantig naman ang puso ng mga netizen sa ginawa ni Paulo John at binati sa pagtatapos nito.
Nakapagtapos si Paulo John ng Bachelor of Science Business Administration major in Business Management sa Lyceum of the Philippines.

Sa kasalukuyan ay mayroon itong 4,600 retweets at 46,800 likes.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!



Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento