Lalaking gumamit ng dalawang silya upang makatawid sa baha, viral

Isang lalaki ang viral ngayon sa social media dahil sa video na nakuhanan siyang gumagamit ng dalawang upuan upang makatawid sa abot tuhod na baha sa kalsada.


Hinangaan ng mga netizen ang lalaking ito na nakaisip ng malikhaing ideya. Habang ang mga tao ay nasa gilid at hindi makalusong sa baha, ang lalaki ay patuloy sa patutunguhan nito.

Sa video na ibinahagi ni Janehisoler Macapaz, maririnig pa ang palapak ng mga tao na stranded sa kanilang puwesto.

Ang lalaki sa video ay isang estudyanteng nag-aaral sa Iloilo National High School.

Ayon kay Rosadel Delloza, “Magaling at maparaang estudyante, he will do all just to be present in school whatever hindrance it takes he can surpass it! Keep it up!”

Umabot naman sa 229,000 views at 7,300 reactions.

Panoorin ang kabuuan ng video:

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento