"Nadali ako ng Too Much Love Will Kill You" ang love story ni Yen Narcelles


Loading...

NADALI AKO NG TOO MUCH LOVE WILL KILL YOU KASI TOO MUCH LOVE KILLED ME.

"Walang Forever" yan ang nasabi ng mga netizens sa isang Facebook post na ito ni Yen Narcelles.


Malungkot ang dalaga sa sinapit niya sa kanyang ex-boyfriend nang makipaghiwalay ito matapos ang mahigit na walong taon nilang magka-relasyon.

Umani ng libu-libong comments at reaction ang post at tuluyang nag-viral sa loob lamang ng isang araw.

Kwento ni Yen Narcelles:

Hi. Isang sleepless night nanaman para sa kagaya kong talunan.
Anong laban ng 8 years and 10 months kong titulo sa taong araw araw nyang nakakasama sa trabaho? 
Oo talunan kasi habang sya natutulog na, ako eto mukang tanga sa kakaiyak..
Nung una ayokong magpatalo at ayokong isipin na matatalo ako kasi sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi ako susuko. Ilalaban ko kahit masakit na. Gagawin ko lahat at hindi ako mapapagod sa kanya..

Pero Ngayong gabi, kailangan na.
Kailangan ko nang tanggapin na TALO AKO

"Talo ako sa laban na kung saan ako lang mag-isa"

Ayoko sanang ilabas to pero yung pakiramdam kong sakit na parang mapapa susuicide nako is not okay. Hindi ko na kayang manahimik.
But the main reason why I post this is para malaman ng lahat kung gano ako lumaban sa pagmamahal ko sa taong mahal na mahal ko. See? Hanggang ngayon gusto kong isigaw sa lahat na mahal na mahal kita kahit na kung makipag usap sya sakin is parang wala kaming pinagsamahan.

Hello I'm 22 years old. At sobrang broken hearted ako!
Sino ba namang hindi mamatay sa sakit na nararamdaman mo kung yung taong mahal na mahal mo at pinaglaanan mo ng 8years and 10months mo ay nakipag break na sayo! Iniwan ako. Hinayaan nako. Pinagpalit narin ata ako.
Ayaw makipag break ng maayos sa personal pero okay lang siguro kasi alam nyang hindi nman ako papayag.
Share ko lang yung pagmamahalan namin since High school!
1st boyfriend ko sya. 1st everything.
Sya lang dinala ko sa bahay at pinakilala ko sa buong angkan ko! Yes buong angkan ko kilala sya! Kasi lagi syang kasama sa family gatherings namin.
Una palang naging kami, puro trials na kasi nga always nya akong niloloko. Iniiwan, sinasaktan, pinagpapalit at kada balik nya sakin, tinatanggap ko sya.
Noon palang kasing makilala ko sya at sinagot ko sya, sinabi kona sa sarili ko na "SYA NA" MY FIRST AND LAST. Yun kasi yung naramdaman ko.
Kaya noon palang, nilaban ko na sya. Unang una sa mga kaibigan nya. I don't need to mention it kasi saksi sila kung pano ko pinag laban yung relasyon namin kahit na bata pa kami non.
Pangalawa yung family ko na tutol kasi hindi naman kami parehas ng religion.
Lahat yon nalagpasan namin that time kasi parehas kaming lumaban!
Mahal na mahal nya ako kaya nga lahat ginawa nya para maging okay kami sa lahat.

Sa lahat ng Mali nya, sa lahat ng sakit na nadulot nya, kahit kelan hindi ko nakita sarili ko na hindi sya ang makakasama.
Parati kong iniisip yung part na masaya at lahat ng efforts nya para mas mahalin ko pa sya. Kasi normal naman sating lahat ang magkamali diba? Kahit na madaming beses kapanng masaktan, kung mahal mo mahal mo talaga! Hindi mo na iisipin yung sakit kasi hindi naman yon makakatulong.
Hindi naman ako nagmamaganda pero alam nyang ang dami nyang kariba sakin non palang pero sya lang yung sapat sakin. Sa kanya lang yung mga mata ko lalong lalo na yung puso ko. 
Sa lahat ng lalaki, kahit sa totoo lang hindi naman talaga sya kagwapuhan,
Para sakin sya lang. Walang kapantay.
Mahal na mahal din sya ng family ko kaya alam ko na hindi mapapantayan ng kahit sino man yung taong to.

Bawat relationship darating din sa point na manlalamig at makakaramdam ng sawa. Lalo na saming dalawa na araw araw magkasama.
Hindi mapag hiwalay. Mapa school, mapa gala at kahit saan pa.
Ang Sarap sarap alalahanin ng lahat ng masasayang alaala na akala ko hindi na matatapos pa..

Dumating sya sa point ng infatuations nya,
Naiintindihan ko kasi sabi ng mga mas nakakatanda sakin normal lang yung ganon dahil sa tagal namin. "lalaki yan, hayaan mong maranasan nya lahat para kapag naging kayo na talaga hindi na sya nagloloko"
Eto yung point na kahit na mawala kapa at umaalis kanon, isang text o chat mo lang mapapa oo mo na ako sa pag balik mo kasi mahal na mahal kita alamo yan!
Hindi ko binilang lahat ng Mali mo. Hindi ko Inintindi lahat ng pwedeng sabihin ng iba kasi alam kong tayo naman yung magasasama.
Hon, byron! 
Inaamin ko na dumating din ako sa point ng infatuations ko.
Lumabas tayo circle nating dalawa. Na kakilala ako ng iba at na subukan kong makipag entertain sa kanila. Nasaktan kita sobra alam ko.
Pero lahat ng yon binawi ko. Ginawa ko lahat para sayo. Pinatunayan kong ikaw lang at handa ko paring gawin yon hanggang NGAYON. 
Nung una nakatatak sa isip ko na oo kasalanan ko kaya sya nagkaganon!
Bakit? Kasi we have issues about 3rd party. I'm a cheater! Manloloko ako.
Nasaktan ko sya, kaya dapat gawin ko lahat. Ok lang sakin lahat ng ginagawa nya kasi nga nasaktan ko sya. So I deserve na masaktan din.
Ginawa ko lahat lahat para bumalik sya. The efforts, the sorry para lang makita nyang nagsisisi ako at sya lang yung mahal ko! Oo nagkulang ako at mailing Mali ako. hinanap ko yung mga bagay na hindi mo nagagawa sakin kaya ganon nalang na sobra akong na comfort sa iba. Gusto kong sabihin na may mali kadin kasi umabot sa point na masyado kang kampante sakin at nasanay na kahit balewalain mo ako is okay lang sakin. Pero alam kong mas Mali ako kasi ako yung nagsanay sayo.
Sa lahat ng mali mo na tinanggap ko, talo padin yung isang Mali ko na sinasabi mong pinagmulan ng lahat ng to! Hindi ko gustong isumbat to kasi alam kong it's not enough para maka gawa din ako ng Mali. Pero lahat ng yon tinanggap ko..
At pinag bayaran kona, hindi paba sapat lahat lahat ng ginawa ko?
Kulang nalang mamatay ako para lang makita mo yung worth ko?
Naging okay naman tayo. After that, ramdam na ramdam kong mahal na mahal mo ako. Walang nagbago. Sobra parin yung care mo sobrang sweet padin.
At sa 8 years natin kabisado na kita kaya lahat ng yon alam kong totoo.
Sobrang saya at walang problema.
Pero lately nakaramdam ako ng kakaiba.
Parang lagi ka nalang irritable at hindi mo na ako araw araw ulit gusto na makita.

Muling nagbago nung time na sabi mo susunduin mo ako sa store para sabay tayong umuwi. Naghintay ako ng 2 hours kasi sabi mo maghintay ako.
But suddenly, nag chat ka na hindi kana makakarating kasi inaaya kang uminom ng maam mo. Ayoko mag drop name dito kasi baka sabihin mong nanggugulo nanaman ako.
Anyway, syempre naiinis ako kasi pinaghintay mo ako ng matagal tapos sasabihin mong hindi na pala ako susunduin? Edi sana sinabi mo agad para nakasakay nako agad kasi alam na alam mong napaka hirap sumakay pauwi ng ganong oras kung nasan AKO AND AS GF MO MAY KARAPATAN NAMAN SIGURO AKONG MAGTAMPO.
Pilit mong nila laban na binablack mail ka ng maam mo na kapag hindi ka sumama, hindi ka papauwiin ng maaga kinabukasan!
SO SYEMPRE AYOKO NG AWAY AT AYOKO RIN NA MASABIHAN MO NANAMAN NA SINASAKAL KITA KAYA KAHIT LABAG SA LOOB KO PUMAYAG AKO!
After non nagchat ka na kesyo susunduin mo nako at magreply ako. Hindi ako naggreply kasi alam kong mag dadrive kana at kung talagang gusto mong sunduin nalang ako tatadtarin mo ko ng message.
Fast forward. Nag chat ako na wag masyadong uminom kasi mag drive kapa pauwi.
Sabi mo walang signal sa loob kaya maya na chat. Nag I love you kapa.
2 hours ago nag chat ka ng nagiinom pa kayo.
That time, hawak ko Facebook mo. Hindi ako nagrereply sayo kasi tinitignan ko kung mag tatanong ka man lang kung nakauwi naba ako or kung nasaan na ako.
Pero wala. Wala Kang pake!
Tapos chat ng chat yung maam mo kung nasaan kana! Na pinagtataka ko kung bakit nya tinatanong e magkakasama kayo.
Nagchat ako sayo kung nasaan kana din pero wala kang reply.
E wala Ka namang chat kung pauwi kanaba kaya inisip ko na magkakasama padin kayo. Diba poikaw yung taong pala update sakin kaya magsisi mo bako kung isipin ko na andon ka padin? And as gf mo karapatan at normal naman siguro na mag alala ako diba po? 
Chinat ko yung maam mo gamit yung fb mo asking kung bakit mopo hinahanap yung bf ko e diba magkasama kayo?
Wow hindi nagrereply.
Syempre nag aalala nako sayo kung ano nabang nangyari sayo. 
Chinat ko din yung lalaki mong ka work kung nasan kana kasi nag chachat maam nyo kung nasan ka.
And taddeeeeeen pauwi ka na pala. Umuwi kana daw.

Well okay napanatag ako kasi walang nangyari sayong masama.
Tapos maya maya nag chat kana ng puro mura
Pinapahiya kita sa katrabaho mo. Na praning ako, na baliw ako.
Just wow. Sobrang bait mo talagang boyfriend kapag nagagalit ka.
May masama ba sa ginawa ko?

Yung galit mo at pag mumura mo parang gusto mo na akong patayin..
Parang hindi ako yung babaeng mahal mo..
Nagulat ako na nag change pass ka, pero before that nabasa kopa na sorry na sorry ka sa maam at coach mo. Para bang pinagsalitaan ko sila ng masama at di maganda..

Tinawagan kita pero minumura mo lang ako
"tangina ko"
"baliw ako"
"nakakahiya ako"
"siraulo ako"

Pero para sakin 
OK lang yan. Mahal na mahal padin kita..

Hindi kita chinat or nireplyan kasi sobrang galit na galit ka
Umasa ako na kinabukasan kapag hindi kana nakainom maisip mo yung Mali mo at yung nagawa mong hindi pag sundo sakin at pag mumura mo.

Pero wala Kang chats!
Kaya ako yung nagchat! Syempre mahal kita e.
Sobrang cold mo. Ikaw pa yung may gana na magtanong kung bakit ko nagawa yon.
Sobrang big deal ba na malaman nilang gf mo ako?

Mula non ayaw mo nang mag pakita ayaw mo nang makipag usap
Walaa kannang ginawa kundi murahin ako.
Pwede bang mahalin mo naman ako?

Mula non hindi ako tumigil na suyuin ka.

Hindi ako tumigil na mag sorry at mag makaawa sayo.
Araw araw nakatatak sa isip ko na kasalanan ko yon kaya ka Nagkakaganyan.
Pilit mong sinasabi na okay tayo oo. Pero alam ko namang hindi kasi kung makipag usap ka sakin kulang nalang patayin moko ng literal..
Ako yung nag rereach out sayo para makapgusap tayo ng personal. Pero ngagalit ka nagwawala ka.
Ihahatid moko dito sa bahay tapos magsisigaw ka na para bang tayong dalawa lang ang tao.
Sa harap ni mommy sinasabihan moko ng baliw at tangina ko.
Sa harap nilang lahat nasabi mo nang hindi mo nako mahal pero hindi ako sumuko.
Nag please ako. Nag makaawa ako. Sinuyo kita
To the point na halos naiyak na parents ko dahil Umiiyak ako pero hindi ko yon napansin kasi ang focus ko is yung bumalik yung ikaw.
Kahit kelan hindi ako nanggulo sa bahay nyo. Mahal na mahal ko si nanay at ate mo. Sobra ko silang ginagalang kaya kahit gusto kong magsumbong din sa kanila, yumakap at ummiyak is hindi ko magawa. Kasi ayokong pati sila makita akong nagkakaganon sayo.

Hon, lahat ginawa ko. Lahat binigay ko.
Pati mga kaibigan mo sinuyo ko.
Pero lahat ng yon minamasama mo.
Feeling mo lagi akong nanggugulo.

Blinock moko sa messenger pati sa mismong number ng phone mo para wag kitang kontakin. Para wag kitang makontak.
Alamoba kung gano kasakit at gano kahirap sakin yon?
Binabalewala mo ako.
Kung hindi pako pupunta sa inyo hindi kita makakausap.
Kahit pa lagi mo akong tinataboy at tinutulak paalis
Lalo na nung time na umuulan na pinagsisipa mo yung motor ko
Habang sumisigaw ka ng "tanginamo yen" "baliw kana"
Tapos inihatid moko na para bang gusto mo nang I semplang yung motor para mawala nako sa buhay mo.
Galit na galit ka na nabasa ka to think na mas basang basa ako kanina pa.
Nasira pa nga yung electric fun ko kasi sinipa mo nung time na dapat yayakapin kta.
Umalis ka non ng hindi parin tayo okay.

Sa araw araw paggising ko nangangarap ako na sana may pakielam kana ulit sakin. Na sana bumalik yung ikaw

Sabi mo kapag umayos ako babalik ka.
Kulang paba ako sayo para sabihin mong umayos ako?
Sabi ko hanggang kelan ako magtitiis.
Sabi mo lang lagi hayaan MUNA kita

Sorry kung araw araw kitang sinusuyo.
Kung mayat maya nag hihintay ako sayo.
Sorry kung walang palya yung text ko sayo kung kumain Kanaba
Na ingat ka paguwi mo at wag kang mag papaulan.
Ginagawa ko yon kahit walang kasiguraduhan kung nababasa moba kasi nga diba nakablock ako sayo.

Ang hirap hirap sa kalagayan ko na ako hindi okay pero kitang kita sayo na sobrang saya mo. Hindi dahil sa ayaw kitang maging masaya kundi dahil ang sakit na kapag masaya ka ngayon is hindi nako kasama o ang dahilan.

Alamobang lahat ng kaibigan natin ang payo sakin is hayaan na kita.
Pero wala akong sinunod sa kanila.
Sabihan nila ako ng tanga martir bobo at manhid. Kahit ano payan ok lang sakin kasi hindi naman sila yung mahalaga e. Para sakin yung mahalaga is yung tayo.

Tinanong kona yung sarili ko kung ako pba talaga yung problema?
Kasalanan ko pba talaga? Kasalanan koba talaga?
Hindi paba sapat lahat
Kapag nagkaka Mali ako Inaamin ko lahat, pinag babayaran ko. Sana ikaw matututo kadin na tanggapin mga Mali mo at wag gawing dahilan lahat ng naging Mali ko.
Kung talagang mahal mo ako hindi mo hahayaan na nangingibabaw yung lahat ng di magagandang nangyari. NAPATIGAS NG PUSO MO. PERO PAGDATING SA IBA NAPAKA LAMBOT MO. MASYADO KANG BAIT BAITAN SA LAHAT PERO PAG TAYONG DALAWA NALANG KULANG NALANG KUTSILYO PARA PATAYIN MOKO. 
Araw araw akong namamtay sa sakit na pinaparamdam mo sakin. 
Pero araw araw akong gumagawa ng paraan para ilaban para lumaban
Parati kong iniisip na ngayon paba ako susuko? E sa 8 years natin ang dami na nating pinag daanan.

Kulang paba lahat para lang makita mo yung worth ko?
Or talagang ako na dapat makakita ng sarili kong worth para itigil na lahat ng to.

Ang sakit sakit na nung time na bumubuo ka palang ng plans at goals mo kasama mo ako tapos ngayon nanabubuo na lahat bigla nalang iiwan mo nako.
Since high school ako yung nasa tabi mo. Bakit Ngayong mabubuo na mga pangarap mo itatapon mo nalang ako?
Akala ko kahit hindi pa tayo kasal for better and for worst na tayong dalawa
Sa araw araw na pag laban at pag gawa ko ng effort pinapakita mong hindi na dapat ako lumaban pa.
Baliw bang maituturing yung kagaya kong walang ibang ginawa kundi maayos yung 
tayo?

Alamobang alam ko na kahit naging OK na tayo non is dinedeny mo parin ako sa mga ka work mo na naging OK na tayo.
Someone asked you about the tag pic na magkasama tayo pero sinabi mo lang na picture lang yon.

Alamoba din bang alam ko na habang ok na tayo is gumagamit ka parin ng ibang Facebook ng friend mo para ma ichat yung babaeng pinangakuan mo na hintayin ka at sinabihan mo na ng makakasama mo na in the future?
Kahit tayo, sinabihan mo syang hintayin ka nya kasi aayusin mo lang yung satin para hindi ka lumabas na masama.

Alamobang nag please ako sa kanya na hayaan ka nya na sakin. Habang umiiyak ako nag makaawa ako na kahit anong chat mo sa kanya wag ka nyang rereplayan.

Nakalimutan kona yung sarili ko. 
Nakalimutan ko yung pamilya ko.
Hindi ko naisip na sa lahat ng ginagawa ko para sayo may ibang tao palang nadudurog dahil nadudurog ako.

Hindi ako nakakakain hindi nakakatulog araw araw akong umiiyak.
Alam ko sa sarili ko na ginawa ko na ang lahat to save our relationship.

Pero sabi mo nga diba hindi na kita mapipilit kaya tama na.
Hindi mo na ako mahal.
Kaya pala kada post ko sa wall mo
Kada comment ko sayo dinelete mo
It's because ayaw mong makita nung taong gusto mo ngayon or dahil ayaw mong malaman ng lahat ng ka work mo. Ng maam mo?
Kabaliwan bang magisip ako ng ganito kung lahat ng ebidensya lumabas na?
Binibigyan moko ng dahilan para mag hinala. 
Kaya wag na wag mong sasabihin na baliw ako dahil pinalaki ako ng tama.
Yung kagaya ko yung hinihiling ng bawat lalaki pero ikaw hindi mo tinetreausre lahat ng mga ginagawa ko 😭
Hindi kita gustong siraan o lumubog kasi mahal na mahal kita. Mula noon alamong wala akong ginusto para sayo kundi ang maging masaya ka at maganda ang buhay mo. Daig kopa nga minsan si nanay diba kapag pinagbabawalan kita kasi alam kong makakasama yon sayo.

Mahal na mahal kita. Sana maging masaya ka sa desisyon mo.
Sana maging masaya ka sa kung sinong pinili mo.
Sana malaman nya lahat ng bawal sayo.
Ingatan mo yung heart mo ha? Wag masyado sa yosi at fat na food para hindi naninikip yan..
Sana sumamba ka padin kahit wala na tayo.
Magiingat ka sa pag dadrive mo lagi wag kang singit ng singit.
Sorry kung chinat ko pa dalawang ka work mo para kamustahin ka and if there's someone naba talaga. Parang hinihiwa yung puso ko sa sakit e.

Gustong kong malaman mo na Never kang jinudge ng family ko. Mas mahal na mahal kanga nila kesa sakin diba T.T kaya mamimiss ka din nila tulad ng pagka miss ko sayo. Kuya ka ng mga kapatid ko diba. 
Hindi ko alam kung pano ko I papaliwanag lahat ng to. Yakap at pag iyak nalang ang maiiexplain ko sa kanila T.T
Nilabas ko to para wala nadin magtanong lahat ng kaibigan natin T.T 
Akala nila perfect couple tayo. Pero wala e SUMUKO KANA. AYAW MONA
BYRON ARREOLA ESPIRITU
hoy hon!
Mamimiss ko lahat.
Naisip ko padin kung ganon ba talaga ka bilis mawala yung pagmamahal mo sakin pero hayaan mona. Your Actions speaks louder than your voice. Nakita kona and naramdaman ko.
Ayoko sanang sumuko ayokong bumitaw pero wala na talaga para sayo e
Nalinaw nadin sakin lahat kanina.
Congrats sa kung ano kana ngayon sa work mo.
Sana ako nalang padin yung una mong binabalitaan ng ganyan.
Sa pag bati palang nya kanina sayo halatang parang sya lang yung may karapatan. Thank you sa pag delete mo sa comments ko.

Akala ko manhid nako pero nasasaktan padin pala ako.

Thank you sa lahat lahat. 
At sorry nadin sa mga sakit na nadulot ko sayo..
Bawing bawi kana kasi sobrang pinatay mo na puso at pagkatao ko.
Maging masaya ka sana lagi.

Kung yung pagkakamali ko parin ang ipang cocover mo sa lahat ng Mali mo para ma linis ka para maayos ka, tatanggapin ko.

Maraming naging saksi ng pagmamahal at pag save ko sa "TAYO"
HINDI MO MAITATAMA ANG ISANG PAGKAKAMALI NG ISA PANG MALI.wala kang iba pero talagang hindi mo nako mahal is sobrang sakit.

Advance happy monthsary this coming 1
And advance happy 9th annv. This coming October.

Sana maging masaya ka sa pinili mo
PANGAKO KO SAYO HINDING HINDI NA KITA GUGULUHIN

Mahal na mahal kita at araw araw parin akong nasasaktan πŸ’”πŸ˜­
Pinapalaya na kita at darating yung time na makakalaya din ako sa sakit na nararamdaman ko 😭 I LOVE YOU FOR THE LAST TIME MAGIINGAT KA πŸ’”
Sobrang dali nalang para sayo na itapon lahat lahat 😭

Wala pala talaga sa tagal at memories lahat T.T
Hindi na worth it na ipaglaban kapa! 
Lagi mong tatandaan na hindi madali sakin lahat ng to 😭
Hindi lahat ng nakakasama mo ngayon mag sestay sayo T.T
Sana maalala mo lahat ng trials mo na ako ang kasama mo T.T
Pinangibabaw ko yung masasayang moments natin at ang lahat ng mga magandang ginawa mo. Pero ikaw wala kang ginawa kundi tignan yung mga negative tungkol sakin.

To all my batch mates and friends:
Yung Byron na badboy and Yen na beauty and brains Hahaha na hinahangaan nyong couple sa tagal ng relationship TAPOS NA πŸ’”

Ps. Nasa dulo yung ginawa kong video para sayo pang suprise ko sana para sa monthsary natin 😭
Sps. Labas yung families natin sating dalawa kaya sana wag na wag mong idadamay yung family mo and family ko.
Ito ang ilan sa mga naging reaction ng mga netizen:


Via Yen Narcelles


Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento