Paano permanenteng magbura ng Facebook account

Aminin man natin o hindi, lubhang nakaaapekto sa pamumuhay ng isang tao ang pagkahumaling sa social media, partikular na sa Facebook.


Sa kabila kasi ng magagandang naidudulot nito, hindi maiiwasang maikunekta ito bilang sanhi ng inggit, tsismis at iba pang negatibong emosyon na nakasasama sa pakikisalamuha sa iba. Mayroon din itong banta sa personal na impormasyon o privacy ng mga user at nagiging plataporma na rin sa pagpapakalat ng mga pekeng impormasyon at krimen.

Kaya naman kung hindi mo na kinakaya at matagalan ang Facebook, narito ang paraan para permanente mo na itong mabura.

1. Bago tuluyang burahin ang iyong Facebook account, siguraduhin mo munang abisuhan ang iyong mga friends at kaanak tungkol sa iyong desisyon. Mabutihing mag-post ng huling mensahe upang ipaalam ang iyong pag-alis sa social media network.

2. Kasunod nito, pumunta sa homepage ng Facebook at i-click ang arrow na nasa kanang bahagi at saka piliin ang ‘Setting.’

3. Piliin ang ‘Your Facebook Information’ sa kaliwang bahagi ng page.

4. I-click ang ‘Deactivation and Deletion’ at sunod na piliin ang ‘Permanently Delete Account.’

Tanungin muli ang sarili kung gusto mo ba talagang burahin ang iyong account dahil ayon sa Facebook, hindi na muli pang maibabalik pa ang anumang laman o impormasyon na iyong binahagi sa Facebook. Ang Messenger at lahat ng iyong mensahe ay mabuburi na rin.

Kung nais mo lang magpahinga, pwede namang mag-deactivate lang ng account at muling balikan ito kung kailan mo gustuhin.

Pero kung desidido ka na talagang  talikuran ang Facebook habangbuhay, pindutin lang ang “Continue to Account Deletion.”

5. Huwag kalimutang i-download ang iyong mga file sa Faecbook, gaya ng litrato, posts, location data at iba pa.

Pindutin ang “Download Info” kung gusto mo ito i-save at piliin ang “Create File” para makagawa ng folder.


6. Kung wala kang pakialam sa iyong mga file, pindutin lang “Delete Account”  o kaya’y bumalik sa ‘Delete Account’ page kung tapos na mag-save ang iyong mga napiling file.

7. Ngayon, pindutin muli ang “Delete Account.”

8. Ipasok ang iyong Facebook password at pumayag sa huling warning. Bibigyan ka ng Facebook ng 30-araw para mapigilan ang tuluyang pagkabura ng iyong account pero kung hindi mo ito aaksiyunan, tuluyan na itong mawawala.

9. Pindutin ang “Delete Account” sa huling pagkakataon.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento