Pamamaril sa ukay-ukay sa Bicutan, 2 patay

Patay ang dalawang indibidwal sa pamamaril nang nakawan ang isang ukay-ukay sa Barangay Upper Bicutan, Taguig City, Lunes ng gabi.


Loading...
Kinilala sa ulat ng Southern Police District (SPD) ang mga biktimang sina Girlie Gacer, 49 anyos, may-ari ng ukay-ukay, at Marlo Landreza, 54 anyos na kawani ng Taguig City Hall.

Bandang 9:10 ng gabi, pinasok ng 2 lalaking suspek ang ukay-ukay sa may bandang Maharlika Road.

Ayon sa ulat ng SPD, bago tangayin ang sling bag ni gacer na naglalaman ng kinita ng ukay-ukay, binaril umano muna ito ng mga suspek.

Binaril ng mga suspek ang mga biktima bago tinangay ang sling bag ni Gacer na naglalaman ng kita ng tindahan, ayon sa ulat ng SPD.


Nakuhanan ng closed-circuit television ng barangay ang 2 suspek na papunta sa dakon ng Sitio Imelda Street hawak-hawak ang sling bag ni Gacer.

Patuloy naman ang paghahanap ng mga awtoridad sa mga suspek.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!



Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento