Raffy Tulfo In Action (Behind-The-Scenes): Mga Nag-Gagandahang Models Binugaw Daw Ng Kanilang Manager? | July 1, 2019


Loading...

Heto na ang pinakakaabangan na behind-the-scene footage ng pakikipanayam ni idol Raffy Tulfo sa mga nagagandahang models.

Si Nica Pauline Llamelo kasama ang mga kapwa niyang models ay dinetalye ang kanilang reklamo laban sa kaniyang ex-boyfriend na umano’y nagbugaw sa kanila sa isang KTV.

Maliban pa dun, sinasaktan din daw siya ni Michael Periquet na nakikitira lang daw sa kaniyang nakuhang unit.

Sa video, tinangkang kausapin ni ido Raffy si Michael para din makapagbigay ng kaniyang panig laban sa mga paratang sa kaniya.

Subalit kaibigan ni Michael ang sumagot sa tawag. Si Nica ay hindi naniniwala na wala sa bahay niya si Michael at para sa kaniya nagtatago lang daw.

“Hindi po ako naniniwala, ‘di yan umaalis kung umaga, gabi ang labas nila,” sabi ni Nica.

Ayon din sa nagpakilalang kaibigan ni Michael na si Daniel, hindi niya kilala si Nica.

“Hindi ko po kilala si Nica sir eh. Bali hindi naman ho ako ano, dumalaw lang ako. Kaibigan ko po si Mike matagal na sir,” sabi ni Daniel kay idol Raffy.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong kwento nila.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!



Mag-post ng Komento

0 Mga Komento