Raffy Tulfo In Action: Boy, Ginamit Ang Kagwapohan Para Hothotan Si Ma’am? | July 9, 2019


Loading...

Si Ms. Nenalyn Sajulga ay dumulog sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo para ireklamo ang kaniyang dati naging nobyo.

Ayon sa kaniyang reklamo, tinangay raw ng kaniyang dating naka-relasyon ang kaniyang sasakyan. Naikwento niya rin na sa loob ng limang buwang nilang pakikipag-relasyon ay umabot na raw sa 1 milyon ang kaniyang naibigay.

Bago ininterview ni idol Raffy ang kanilang panauhin ay napansin niya ang branded nito na bag at saka mga suot nitong alahas.

“Tingnan mo naman si ma’am, tingnan mo naman yung bag niya, tingnan mo Balenciaga. Tingnan mo naman yung kaniyang bracelet pati kaniyang singsing diamante pati kaniyang kwentas,” sabi ng show host.

“Sino ba naman ang hindi masisilaw na kalalakihan niyan,” sabi pa niya.

Habang sila’y nag-uusap ay tiningnan ni Sharee ang litrato ng sinasabing dating nobyo ni Nenalyn at heto ang kaniyang nasabi.

“Sir oo nga pogi nga,” sabi ni Sharee.

Ayon din sa salaysay ng complainant, ang naging boyfriend nya daw na si Patricio Mendoza ay talent raw ng isang malaking TV network.

Meron daw itong commercial na kasama niya ang isang artista sa network na nabanggit.

Panooring ang video na nasa itaas para malaman ang buong kwento nila.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!



Mag-post ng Komento

0 Mga Komento