Raffy Tulfo In Action: Misis Muntik Himatayin Dahil May Kalaguyong Iba Ang OFW Na Mister | July 22, 2019


Loading...

Lumapit si Ms. Grasyl De Guzman sa himpilan ng Wanted sa Radyo sa programa ni idol Raffy Tulfo para humingi ng tulong na ma deport ang mister na may kabit raw sa Al Khobar.

Ayon sa panayam kay misis nilalait daw siya ng mister kaya siya umiiyak habang nasa programa ni idol “ng dahil sa panglalait niya sa akin sir, sabi niya na hindi na aku blooming, sabi niya sa akin dahil sa babae niya sir, ang sakit-sakit hindi aku nakakatulog ang payat payat kuna.” ayun kay misis may iba na din raw si mister na babae na nasa Jeddah.

Ayon kay mister na nasa linya ng telepono, pinagsasalitaan daw siya ni misis ng masama at gumagawa pa raw si misis ng ibang account na may picture ni mister “ayan kasi yang ginagawa mu, gumagawa ka ng ibang account ginagamit mu yung picture ku account pangalan ku, ikaw yung mga nagcha-chat sa mga babae.”

Ayon kay misis nagpapadala naman raw si mister pero bumaba na “bumaba na sir, tapos noong January, February, March, April sa parents niya nagpadala, ₱10,000 sir”. Ayon kay mister hindi naman raw ito totoo kasi may mga resibo itong hinahawakan at ang pinakamababang padala raw niya ay nasa halagang ₱14, 000 hanggang ₱15, 000.

Gustong ipa-deport ni misis ang mister at ang kanyang kalaguyo tapos sasampahan ng kaso.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong kwento nila.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!


Mag-post ng Komento

0 Mga Komento