Raffy Tulfo In Action: Mister Dina-Dialysis Pero Kaniyang Misis Nakikiapid | July 1, 2019


Loading...

Si Mr. Arnulfo Benosa ay bumisita sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Aksyon sa Tanghali para ireklamo ang kaniyang misis na isang OFW.

Ayon sa kaniyang sumbong, ang kaniyang misis na si Joley Benosa ay nakikipag-relasyon daw sa kapwa niyang pilipino na nasa Saudi din.

Datapuwa’t hindi diretsahang inamin ni Mrs. Benosa na meron nga siyang ibang lalaki pero nahuli siya ni idol Raffy ng mabanggit niya na sandali lang daw ang kanilang pagsasama.

Dahal napaka-istrikto ng Saudi hinggil sa kaso ng pakikiapid, pwede gamitin ang kaniyang salita para siya ay ma-deport pabalik sa bansa.

May mga dala din na mga printouts si Arnulfo kung saan makikita ang mga larawan ng kaniyang misis kasama ang kaniyang kalaguyo.

Si Mr. Benoso ay isang dialysis patient at gusto niya makasama at maramdaman ang pagmamahal ng kaniyang asawa habang siya ay nagpapagaling.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong istorya.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!



Mag-post ng Komento

0 Mga Komento