Raffy Tulfo In Action: OFW Sa Jeddah May Death Threat Sa Kaniyang Amo | June 28, 2019


Loading...

Si Roxanee Sumagang ay nagtungo sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Aksyon Tanghali para humingi ng tulong na pauwiin ang kaniyang kapatid na nagtratrabaho sa Middle East.

Ayon kay Roxanne ang kaniyang kapatid na si Suzette Sumagang ay kasalukuyan nasa Jeddah, Saudi Arabia at nagtratrabaho bilang isang OFW.

Ayon sa kaniyang sumbong, si Suzette ay sinasaktan ng kaniyang among babae at meron pa itong pagbabanta sa kaniyang buhay.

“Sinisipa po siya sir tapos hinahampas po siya ng tsinelas,” pagpapaliwanag ni Roxanne kay idol Raffy sa ginagawa ng amo nito sa kaniyang kapatid.

Umpisa pa lang daw na nagtratrabaho si Suzette sa kaniyang amo ay kaagad naranasan niya na ang pagmamaltrato pero binelewala niya lang sa pagaakala na baka sa umpisa lang yun.

Dahil may mga recorded video sila na pwedeng gawin na ebidensya laban sa amo, mapapadali ang pagkuha kay Suzette sa kaniyang pinagtratrabahuhan.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong kwento nila.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!



Mag-post ng Komento

0 Mga Komento