Raffy Tulfo In Action (Part 1): Misis Hinahanap Ang OFW Na Mister, Isang Buwan Na Palang Nasa Pinas | June 25, 2019


Loading...

Si Ms. April Lewellyn Cabatuan ay bumisita sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Aksyon Tanghali para makausap ang kaniyang asawa na OFW.

Ayon kay April one-month na daw na nakauwi ang kaniyang mister na galing sa Saudi Arabia pero imbes na umuwi sa kaniya ito raw ay nagtago.


Napag-alaman ni April ang impormasyon na ito galing na din sa pinsan ng kaniyang asawa.


Ang relasyon nilang mag-asawa tila hindi na raw maganda ang estado sa ngayon.

Gusto na din ni April ni putulin na lang ang kanilang pagsasama sa pamamagitan ng annulment.

Subalit nagmagandang loob si idol Raffy at gustong salbahin ang kanilang marriage.

Nag-alok si idol Raffy na padalhan ng pamasahe ang asawa ni April na si Mark Loise Cabatuan para sila’y magkausap ng personal at para na din maayos ang mga hindi pagkakaunawaan.

Sa mga pahayag nilang dalawa, tila wala namang third-party na sangkot at kung totoo ito may malaking posibilidad na magkaroon ng second chance ang kanilang pagmamahalan.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang kanilang buong istorya.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!



Mag-post ng Komento

0 Mga Komento