Raffy Tulfo In Action (Part 1): Nanay Masama Ang Loob Sa Anak Dahil Sa Ibinigay Na Kahihiyan Sa Araw Ng Kaniyang Kasal | July 24, 2019


Loading...

Si Mrs. Bernadeth Andrade ay bumisita sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo para humingi ng tulong para makausap ang kaniyang anak.

Ayon sa kaniyang sumbong, niloko daw sila ng kaniyang anak na si Junard Andrade sa araw ng kaniyang kasal.

Kasama ni nanay Bernadeth sa studio and kaniyang babaeng anak na si Jonadeth Johnson at ang asawa nito na American citizen na si Terrence Johnson.

Ang americano na si Mr. Johnson ay magsisilbi sanang Best Man ng kasal subalit hindi natuloy dahil palipat-lipat sila ng lugar.

“Nakita lang po namin sir sa facebook the following day na ikinasal sila sa ibang reception,” sabi ni Jonadeth.

Nagkataon din na si Junard ay nasa studio ng TV5 at handa din itong magbigay ng kaniyang panig.

Habang lumalalim ang kanilang pag-uusap nailahad ni Junard na hindi pala natuloy ang kanilang kasal.

“Wala ho kasal na nangyari sir kasi tinuloy lang yun namin ang reception,” sabi ng anak na lalaki ni nanay Bernadeth.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong kwento nila.

Related:

Mag-post ng Komento

0 Mga Komento