Raffy Tulfo In Action (Part 2): Boy, Pinabili Ng Hotdog Pero Footlong Ang Inuwi | July 22, 2019


Loading...

Heto na ang pinakaabangan na Part 2 ng isang misis na ayaw na kay mister kasi nung pinabili ito ng hotdog footlong ang inuwi.

Bago paman mag harap sila Ms. Judilyn at ang asawang si Mr. Andres, kinausap muna siya ni idol off-air upang malaman ang totoong gusto niya “wala talaga po sir, ang gusto ku lang naman sir anu tigilan niya ako, tapos suportahan niya nalang ang anak ku sir, magpirmahan kami kung anu po ang gusto, anu sir yung hindi na siya mangungulit.” Wala naman daw ibang kinakasama si misis, si mister lang daw yung may iba.

Ayon sa panayam kay misis, nanakit din raw si mister “gaya po nung umalis siya nung kami pa ang nagsasama nang unang kabit niya pa lang, paalam niya kasi sir may gala sila nang pinsan niya, syempre kinabukasan sir papasuk na aku, ehh inaantay ku tapos nung anu dumating na ata mga alas sinko na ng madaling araw, kumatok, kasi nagalit ako kasi sabi ku bakit ngayun kalang kasi may pasok aku diba? walang magbabantay sa anak mu alangan namang iwan ku to, anu tinadyakan niya aku sir.” hindi naman raw dinimanda ni misis kasi hindi naman gusto niya na dumating pa sa dimandahan.

Ayon din sa anak ni misis ayaw niya na rin sa ama kasi naka move-on na rin daw yung mama niya kahit nagmamaka-awa ito “parang hindi na din po kasi aku naawa, kasi ilang bisis niya na po ginawa niyan kay mama ehh, mas naawa parin po aku sa mama ko.”

Gusto lang ni mister ay klosure at hindi na raw mag-mamakawa kay misis, para nalang daw mapatawad ni misis.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang part 2 ng kwento nila.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!


Mag-post ng Komento

0 Mga Komento