Raffy Tulfo In Action (Part 2): Motel Daw Muna Bago Sustento? | July 23, 2019


Loading...

Si Ms. Ruby Rose Allosa ay nagbabalik sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo para ipagpatuloy ang kaniyang reklamo.

Sa pagkakataong ito, kasama ni Ms. Allosa si Richselle Alberto isa din sa mga naging karelasyon ni Mr. Emerson Aragon na kung saan meron din siyang anak rito.

Ang reklamo ni Ruby Rose ay hinggil sa sustento para sa anak nila ni Emerson at ang kay Richselle naman ay ang pananakit sa kaniya at sustento din para sa kanilang naging anak.

Ayon sa naunang sumbong ni Ruby Rose, niyaya muna daw siya ni Emerson na mag-Motel bago ito magbigay na kaniyang sustento.

Ang pahayag ni Ms. Allosa ang isa sa mga dahilan kung bakit nagpasya si Emerson na magpa-interview din ng live.

Ayon sa kaniya wala raw itong katotohanan.

“Diyan po sir sa sinabi niya durog-na-durog po ako sir,” sabi ni Emerson.

“Wala po akong may maiharap sa mga katrabaho ko yung sinabi niyang ‘motel muna bago sustento’ sir. Tinataga ko po sir sa bato wala pong nangyayaring ganyan,” sabi pa niya.

Panooring ang video na nasa itaas para malaman ang buong kwento nila.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!


Mag-post ng Komento

0 Mga Komento