Raffy Tulfo In Action (Part 2): Nanay Masama Ang Loob Sa Anak Dahil Sa Ibinigay Na Kahihiyan Sa Araw Ng Kaniyang Kasal | July 25, 2019


Loading...

Si Mrs. Bernadeth Andrade ay nagbabalik sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo para ipagpatuloy ang kaniyang reklamo.

Kasama pa din ni nanay Bernadeth ang kaniyang babaeng anak na si Mrs. Jonadeth Johnson at ang pakay nila sa araw na ito ay makausap pati na din si Apple, ang girlfriend ni Junard.
“Gusto namin makausap silang dalawa. Kasi nung time na pumunta rito si Junard lang eh,” sabi ni nanay Bernadeth.

Si Apple ay isang supervisor sa isang kompanya at dahil sa trabaho hindi siya nakapunta sa una sana nilang paghaharap.

Tinanong kaagad siya ni nanay Bernadeth kung bakit sila pinahiya sa araw ng kanilang kasal.

“Tanong lang namin Apple bakit anong nangyari doon sa kasal niyo? Bakit ganoon pinahiya niyo kami,” sabi ni nanay Bernadeth.

“Ma, ‘di ho po kayo pinahiya. ‘Di rin po namin alam kung ano ang nangyari,” sagot ni Apple.

Kung matatandaan ninyo, ang lugar ng kasal at ng kanilang reception ay nagpalipatlipat. Ang coordinator na dapat sana alam kung ano ang mga nararapat ay hinimatay ayon sa salaysay ng ikakasal.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong kwento nila.

Mag-post ng Komento

0 Mga Komento