Raffy Tulfo In Action: Private Video Ni Girl Gustong Ikalat Ng Dating Nobyo? | July 16, 2019


Loading...

Si Ms. Doryn Acosta ay bumisita sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo para ireklamo ang kaniyang dating naging karelasyon.

Ayon sa kaniyang sumbong, hindi raw siya tinitigilan ni Marlon Velasco at meron pa daw itong pagbabanta na ikakalat ang kaniyang private videos.

Itinanong ng show host sa kaniyang naging panauhin kung ano ang dahilan ng kaniyang dating kasintahan na gawin ang kaniyang pinangagambahan.

Paliwanag naman ni Doryn ay dahil sa selos. Meron daw kasing nakita sa kaniyang cellphone si Marlon na siya’y nakikipagcommunicate sa isang lalaki.

“Nakita niya po na may ano sa call history na ako pa daw tumatawag doon. Tapos sabi niya sa akin na ano ang landi ko kung ano-ano na sinasabi niya po sa akin,” paliwanag ni Ms. Acosta.

Tinawagan sa telepono si Marlon para naman mapinggan ang kaniyang panig. Subalit, itinanggi ni Mr. Velasco ang mga paratang laban sa kaniya.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong kwento nila.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!



Mag-post ng Komento

0 Mga Komento