Raffy Tulfo In Action: PWD Sinasaktan Di Umano Nang Ka Leave-In Partner? | July 19, 2019


Loading...

Lumapit sa himpilan ng Wanted sa Radyo sa programa ni idol Raffy Tulfo ang mag-amang Pamela Gines at Pedro Gines para ireklamo ang kanyang kinakasama.


Ayon sa panayam kay Ms. Pamela, siya po ay sinasaktan ng at nilalait nang kanyang ka leave-in partner.

Tinanung ni idol kung anu ang pinag-uugatan nang kanilang away at ayon kay Pamela “ayaw niya pong magbigay sa akin ng pera, pag nagbibigay siya ₱200 lang po tsaka ₱100”, dahil hindi sapat ang budget na binibigay ni Mr. Divino sila ay nag aaway at nag -kakasakitan.

Ayon kay Mr. Pedro, ang ka leave-in partner daw ay lasenggero at maaring gumagamit nang illegal na droga “maari po sir, kasi minsan sir pag nung na bangag siya nagdala pa nang itak may tinatago pa hu siyang kutsilyo”.

Ayon naman kay Mr. Divino may kulang sila na pambayad sa kuryente sa kapit bahay kaya ₱200 lang ang ibinibigay sa kay Ms. Pamela “alam nya po yan na may bayaran po kaming kulang na pambayad ng kuryente po sa kapit-bahay alangan naman po kukunin ku po lahat nang anu, iniipon ku po yung iba para maibayad kasi may ₱1500 pa hu yung kulang kung pambayan nang kuryente po sa kapit-bahay namin”.

Gustong pong ituloy ni Ms. Pamela ang kaso sa kinakasama.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong kwento nila.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!


Mag-post ng Komento

0 Mga Komento