Raffy Tulfo In Action: Si Girl Parang ‘Di Raw Maka Move-On Kay Ex-BF? | June 26, 2019


Loading...

Si Ms. Evelyn Balagon ay tumungo sa programa ni idol Raffy sa Aksyon sa Tanghali para ireklamo ang kaniyang dating naka-relasyon.

Ang complainant ay isang office staff sa may Caloocan City at ayon sa kaniyang sumbong sinisiraan daw siya ng kaniyang ex-BF sa social media.

Subalit itinatanggi naman ni Frederick Laca (ang dating karelasyon ni Evenlyn) ang mga paratang. Para sa kaniya hindi lang daw maka move-on ang dating nobya.

Subalit si Mrs. Ronalyn Laca ang legal na asawa ni Frederick ay parang naging referee sa alitan ng dalawa.

Sa interview ni idol Raffy kay Evelyn, umiiyak ito dahil sa mga paninira ni Frederick sa kaniya sa social media.

Meron daw isang fake account na ginagamit ang kaniyang pangalan pati na rin ang kaniyang picture at may nakasulat na hindi maganda.

Minabuti naman ng show host na tawagan si Frederick para mapikanggan naman ang kaniyang panig.

Dito nalaman na ang ugat pala ng kanilang away ay pera.

Isang beses daw nagdate ang dalawa sa Subic at ang mga nagastos nila doon ay dapat sana hati sila pero tila hindi iyon nangyari.

Tinawagan din ng programa ang legal na asawa ni Frederick na si Ronalyn at nagbigay ito ng payo kung paano nila maayos ang problema sa pera.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong istorya nila.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!



Mag-post ng Komento

0 Mga Komento