
- Easy ka lang: Sino bang hindi matataranta kapag nabasa ang phone nila? Pero easy ka lang. Huwag na huwag mong tangkaing i-charge ang phone mo, baka masunog pa ang bahay niyo. Kung biglang naman itong namatay ay huwag mo na din subukang buksan baka mag-short ciruit pa.
- Punasan at alugin: Punasan mo na lang muna ng tuwalya o tissue ang labas ng phone mo, sa abot nang makakaya mo. Marahang alugin para lumabas ang mga tubig na nakapasok sa loob ng port at socket (saksakan ng charger at earphones).
- Buksan at balutin ang baterya at simcard: Matapos mong punasan at alugin ang nabasa mong phone, buksan mo ito at alisin ang baterya at SIM card. Mangyaring balutin muna ang mga ito sa tissue at gawin ang susunod na step.
- Patuyuin: Bago ibalik ang nabasang sim card at baterya, patuyuin ito gamit ang blower sa loob ng limang minuto. Siguraduhing natuyo ang bawat sulok ng phone bago ibalik ang sim card at baterya.
Loading...
- Balutin kasama ang mga silica packets o ibabad sa bigas: May dalawang paraan upang masipsip nang tuluyan ang moisture sa loob ng phone mo. Maaari mo itong ilagay sa plastic bag kasama ang ilang silica pockets sa loob ng dalawang oras. Kung ‘di mo man naitabi ang mga silica pockets na nasa sapatos mo, mainam din na ibabad mo ito sa bigas sa loob ng ilang oras hanggang dalawang araw, depende sa tagal ng pagkababad sa tubig.
Matapos mong gawin ang lahat ng step na ito, malaki ang tiyansang muling gumana ang phone mo, maliban na lang kung nababad ito nang napakatagal at may iba pang issues ito bukod sa pagkabasa. Pero ang pinaka-epektibong paraan para manatiling maayos ang phone mo ay iwasan mong dalhin ito sa mga lugar na malaki ang risk ng pagkabasa tulad ng palikuran at kusina — prevention is better than cure, ika nga.
0 Mga Komento
Let us know your thoughts!