Student Free Ride ID, para sa #LibrengSakay sa MRT-3, LRT-2, PNR saan makukuha?

Libre na ang pamasahe ng mga estudyanteng sasakay sa  MRT-3, LRT-2 at PNR.


Loading...

Paano nga ba makakukuha ng Student Free ID para ma-avail ang naturang benepisyo?

Sa unang yugto ng pagpapatupad nito sa darating na Hulyo, kailangan lamang ipakita ng estudyante ang kanyang valid school ID para makamit ang libreng pamasahe.

Sa kalaunan ay ipatutupad ang application para sa Student Free Ride ID na magagamit sa MRT-3, LRT-2 at PNR.

Maaari namang mag-apply ng Student Free Ride ID online o sa mga Malasakit Help Desk na matatagpuan sa mga istasyon ng tren.


Ang libreng sakay ay kaugnay sa pagpapatuloy ng “Malasakit” initiative program ng Department of Transportation (DOTr)

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!



Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento