22-anyos na babae sa Agusan del Sur, ginahasa ng nobyo at 5 tropa nito


Loading...


Isang 22-anyos na babae sa San Francisco, Agusan del Sur ang ginahasa umano ng kanyang nobyo at lima pa nitong kabarkada, ayon sa ulat sa Unang Balita nitong Lunes.
Pauwi na raw ang biktima nang papuntahin siya ng kanyang nobyo sa isang bakanteng bahay kung saan siya halinhinang ginahasa.
Apat sa mga suspek ang nasa kamay na ng mga pulis habang ang isa na menor de edad ay nai-turnover na sa kanyang mga magulang.
Patuloy namang hinahanap ang isa pang suspek. 

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento