DenLou, posible kayang magkaroon ng reunion project?

denlou
Isa ang aktres na si Louise Delos Reyes ngayon sa tatlong naggagandahang leading ladies ng comedy film na Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo, na ipalalabas na ngayong September 4. Ang film na ito ay reunion movie ng tatlong batikang komedyanteng sina Janno Gibbs, Andrew E, at Dennis Padilla. E ang DenLou kaya, posible rin magkaroon ng reunion project?

Nang tanungin si Louise pagkatapos ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo media conference kamakailan, masayang sinabi ng aktres na bukas siya makatrabaho muli ang pinakamatagal niyang naging ka-love team na si Alden Richards.

“Working with Alden again, why not, ‘di ba? Siya ‘yong pinakamahaba kong naging ka-love team,” ani Louise.

Ilang taon din nagkasama sa mga Kapuso project sina Alden at Louise; kabilang na ang Alakdana (2011), Tween Academy: Class of 2012 (2011), My Beloved (2012), One True Love (2012), at Mundo Mo’y Akin (2013).

Loading...
Matagal na rin silang hindi gumagawa ng proyekto simula noong naging kapares na ni Alden ang tinaguriang Phenomenal Star na si Maine “Yaya Dub” Mendoza; matapos mabuo nang hindi sinasadya ang tambalang AlDub sa noontime show na Eat Bulaga noong taong 2015.

Gayunman, masaya raw si Louise sa lahat ng nararating ng dating onscreen partner at kaibigan niya.

“I’m so happy for him for all the blessings na natatanggap niya ngayon. He deserves it,” wika ng aktres.


Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento