DOTr nagsagawa ng biglaang inspeksyon sa PITX


Loading...


Nagsagawa ng biglaang inspeksyon kanina sina Transportation Secretary Arthur Tugade at House Committee on Transportation Chairman Edgar Sarmiento sa kauna-unahang "landport" sa Pilipinas, ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Nagsagawa ng biglaang inspeksyon kanina sina Transportation Secretary Arthur Tugade at House Committee on Transportation Chairman Edgar Sarmiento sa kauna-unahang "landport" sa Pilipinas, ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Sa isinagawang surprise visit, nakita ng mga opisyal ang tuluy-tuloy na pagpapaganda ng pasilidad, at pagsasaayos ng serbisyo sa PITX, na inaasahang magsisilbing template para sa iba pang itatayong mga terminal sa buong bansa.

Ayon kay Congressman Edgar Sarmiento, lubos siyang natutuwa at namamangha sa ganda ng PITX.

“Because of what I have inspected, and because of what I have seen, I can say that I am proud to be a Filipino. Napakaganda. Ganito dapat sa lahat ng terminal sa Pilipinas. Salamat, Sec. Art," ayon kay Cong. Sarmiento.

Malaki na ang inilago ng operasyon ng PITX mula nang magbukas ito noong Nobyembre 2018. Mula sa dating 3,000 pasahero, aabot na ngayon sa 47,000 hanggang 55,000 ang mga pasaherong naseserbisyuhan ng landport kada araw.

Nitong Mayo nga, pumalo pa sa 71,569 ang daily foot traffic sa PITX sa peak day nito para sa naturang buwan. Mahigit triple ito ng 19,192 pasaherong naitala sa peak day noong Disyembre 2018.

Sa joint inspection kasama ang kongresista, binigyang-diin naman ni Secretary Tugade ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa ibang ahensya at tanggapan ng gobyerno para sa pagsusulong ng mga proyekto at inisyatibo ng administrasyon.

“We are doing this together because this is the atmosphere and working relationship we are creating. Doing this made us realize that we can suggest without unduly criticizing, and give recommendations without condemning. That is the essence of a harmonious relationship," ayon kay Secretary Tugade.

#DOTrPH 🇵🇭

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento