Mayor Isko, lumusong sa baha para tingnan ang lagay ng mga tao

isko baha
Umani ng papuri si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso matapos niyang lumusong sa baha sa paghahangad na makita ang totoong lagay ng mga taong nakatira sa binabahang lugar.
Sa Facebook, ibinahagi ni Ons Lino Reyes ang ilang larawan ng alkalde habang lumulusong sa hanggang baywang na baha sa isang area sa Maynila.

“Lumusong sa baha si Mayor Isko Moreno ng Maynila para silipin ang mga kalagayan ng mga tao. Sa tingin ko, walang makagagawa nito lalo na kung pa-cute lang ang isang mayor,” saad ni Reyes sa caption ng mga larawan.

Marami ang natuwa at humanga sa ginawang ito ng mayor. Anila, hindi madaling lumusong sa baha pero ginawa pa rin ito ng alkalde, kaya mapalad daw sila sa dedikasyon ng kanilang inihalal sa puwesto.

Loading...

May mga natuwa rin dahil wala pa rin kaarte-arte ang noon ay mahirap lamang na Manilenyo kahit pa malayong-malayo na ang narating nito.
Wika pa ng ilan sa mga nag-comment, bago pa man maging alkalde ay ganito na raw ang actor-turned-politician; hindi natatakot na lumusong sa baha o pumunta sa nangangailangan ng tulong kahit nasaan pa nito.
As of posting, nakakuha na ng lampas 20,000 reactions at halos 30,000 shares ang post.


Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Mag-post ng isang Komento

4 Mga Komento

  1. Sure na tatakbo presidente ito..di po ako impressed. Tagal.niyang vice sa Manila bakit now lang?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Walang masama kung tumakbo kung nagtratrabaho naman ng matino. Eh yung iba nga walang ginagawa kundi magpapogi and budots tumakbong senador at nanalo pa. Dapat nating i-encourage at suportahan yung mga gumagawa ng tama para baka sakaling tularan ng iba.

      Burahin
  2. Iba tlga ang ugali ni isko moreno palibhasa galing tlga sya sa hirap alam nya ang damdamin ng mga mahihirap. Hindi plastik si mayor isko kaya saludo ako sa knya . God bless u mayor at ang bumibuo ng staff mo lahat na sila mabuhay po kayong lahat sa wlang sawang pag bibigay serbisyo sa mga kababayan ntin sa maynila

    TumugonBurahin
  3. Noon akala ko kaya nanalo si Isko kasi lesser evil lang sya sa mga pinagpilian pero ngayon bilib ako sa kanya at swerte ang mga taga Maynila. Sana ma-sustain nya

    TumugonBurahin