Pelikulang ginawa ni Eddie Garcia bago pumanaw, ipalalabas na

eddie garcia
Bago yumao ang batikang aktor na si Eddie Garcia o kilala sa bansag na “Manoy”, isang pelikulang pangkomedya ang nagawa nito sa Viva Films, ang Sanggano, Sanggago’t, Sanggwapo.

Sa kakatapos lang na media conference ng nasabing pelikula kahapon, Agosto 20, ay nagbahagi ng kanilang karanasan ang ilang cast kasama si Manoy. Sinariwa nila ang alaala nito lalo na kung gaano ito kagaan na katrabaho.

“It’s bittersweet. Ito ‘yong last movie na na-complete niya. Very small scene ‘yong hindi niya nakunan,” sabi ni Janno Gibbs.

“I don’t know if they’re going to use it in the movie. There was a scene na hindi maganda ‘yong sound ni Tito Eddie, so dinub ko. Nag-try lang ako,” pagbabahagi pa ni Janno.

Loading...
Inalala rin ito ni Debbie Garcia, isa sa mga kaeksena ni Manoy sa nasabing pelikula, “Lahat kami nakaalalay sa kanya. Nagagalit siya kasi feeling niya bagets pa rin siya. Feeling niya kaya niya lahat. Ayaw niyang magpa-double.”

“Binibigyan niya ako ng mga advice with work. Sobrang bait po ni Tito Eddie,” dagdag pa ng dalaga. Sa unang araw pa nga lang umano ay sinabi nitong baka magkamag-anak sila dahil sa parehong apelyido.

Sa old-school comedy movie ito, gagampanan ni Manoy ang karakter bilang Mr. Russel, isang land developer na gustong angkinin ang hacienda ni Johnny, karakter ni Janno Gibbs na isang tagapagmana ng mayamang negosyante.

Kasama rin sa pelikula sina Andrew E., Dennis Padilla, Louise delos Reyes, at iba pa. Ipapalabas sa mga sinehan ang Sanggano, Sanggago’t, Sanggwapo sa September 4.


Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento