3 patay sa sunog sa Quezon City

Mabilis na tinupok ng apoy ang dalawang palapag na bahay sa Blue Ridge A Subdivision sa Quezon City pasado alas dos ng madaling araw.

Gawa sa kahoy ang flooring ng bahay habang bato naman ang mga pader.

Bumagsak ang kisame ng bahay. Damay din ang apat na nakaparadang kotse.

Tatlo ang kumpirmadong patay na hindi nakalabas sa kasagsagan ng sunog — ang isa ay babaeng anak ng may-ari ng bahay na natagpuan sa comfort room sa ikalawang palapag.

Ang isa pang bangkay na malapit sa exit sa unang palapag ay hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan.

Nakalabas naman ang kusinera na si Yolanda Sebrano at kasambahay na si Melende Alegre.

Kwento ni Alegre, ginising siya ng kusinera at sinabing may pumutok sa kusina.

Paglabas daw nila ay malaki na apoy.

Loading...

Ginising daw niya ang caregiver habang siya ay humingi ng tulong dahil malaki na ang sunog.

Hindi na raw kinaya ng fire extinguisher.

Nagtamo si Sebrano ng second degree burn sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na naapula  alas tres ng madaling araw.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Mag-post ng Komento

0 Mga Komento