GAZelle Motors tumugon sa panawagan ng pamahalaan tungkol sa PUV modernization program

SINAMANTALA ni Ginoong Fernando Martinez, chairman ng Eastern Petroleum Group, ang magandang relasyon ng Pilipinas at bansang Rusya dahil sa pagsisikap ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sumama si Martinez sa delegasyon ng mga negosyante sa unang pagdalaw ni Duterte sa Rusya noong Mayo 23, 2017 kung kaya nakipag-business deal ito kay Ginoong Vadim Sorokin, ang presidente ng Gaz Group.

Kaya bunga nito, naitatag ang GAZelle Motors Corporation noong Setyembre 2017 bilang wholly-owned subsidiary ng Eastern Petroleum Group of Companies na pagmamay-ari ni Martinez.

Ang GAZelle Motors Corporation ang exclusive distributor sa Pilipinas ng sasakyang ginagawa ng GAZ Group, ang pinakamalaking amanufacturer ng commercial motor vehicles sa Russia.

Loading...

Ito ang tugon ni Martinez sa panawagan para sa mga negosyante at pribadong sector na mamuhunan sa PUV modernization program ng pamahalaan.

Nito lamang Setyembre 2019, sa ikalawang anibersaryo ng kompanya, nakatanggap na ang GAZelle Motors ng 200 units na order mula sa mga malalaking transport group sa tulong ng financing arrangement sa pagitan ng mga grupong ito at ng LandBank of the Philippines at Development Bank of the Philippines.

Sinabi ni Martinez na kung imo-modernize ang 200,000 PUVs sa buong bansa at papalitan ng Euro 4 at mas malalaking modelo, tinantiya niya na kailangan ng P200 bilyon na puhunan na maaaring pagtulungan ng pamahalaan at ng pribadong sektor

Idiniin pa ni Martinez na sa P2.5 milyong halaga ng bawat unit, kayang-kaya ng mga transport organization o kooperatiba na bayaran ito lalo na kung makikipagtulungan ang pamahalaan para sa 5 hanggang 7 taong loan program.

Hindi rin aniya problema ang spare parts dahil maliban sa itinayong mga service centers, dadagdagan pa nila ito at nakipag-tie up din sila sa Rapide at na umabot ito sa 35 accredited service centers sa Metro Manila pa lamang.

Mura din ang halaga ng mga spare parts, ang totoo sabi ni Martinez, ay mas mura pa aniya sa nakasanayan. Sa mga service centers ay may Russian-trained mechanics.


Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Mag-post ng Komento

0 Mga Komento