Ilang sikat na celebrities sumakay sa pampublikong sasakyan

Kamakailan lamang ay naging usap–usapan sa social media ang pagsakay ni Secretary Salvador Panelo sa mga pampublikong sasakyan mula bahay patungong Malacanang upang maranasan ang karaniwang sakripisyo ng mga pasahero at mapatunayan kung mayroon nga bang transport crisis sa bansa.

Halos hindi na nga masawata ang suliranin hinggil sa mabigat na daloy ng trapiko sa alinmang panig ng Kalakhang Maynila. Lahat ay apektado nito; hindi lamang ang mga karaniwang mamamayan kundi pati na rin ang mga sikat na personalidad sa industriya ng showbiz.

Ilan sa mga sikat na celebrities na nakaranas nang sumakay sa mga pampublikong sasakyan ay sina Vice Ganda, James Reid, Jhong Hilario, Kim Chiu, Julia Barretto, Erich Gonzales, at Anne Curtis.

Loading...

Naranasan na rin ni Vice Ganda na makipagsiksikan sa pagsakay niya sa MRT basta on time at hindi mahuhuli sa panonood ng concert at UAAP event. Bago pa man maging sikat na artista, sanay na umano siya sa pagsakay sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeepney, tricycle, FX, at MRT.

Hindi rin dito nakaligtas si James Reid na dinudumog ng mga kapwa–pasahero lalo na sa mga selfie pictures niya habang nasa loob ng MRT.

“Struggle is real” naman ang naging caption ni Jhong sa kanyang Instagram post nang sumakay rin siya sa MRT huwag lamang lumiban sa kaniyang mga showbiz commitment at trabaho bilang isang public servant.

Naranasan namang umangkas ni Kim Chiu sa motorsiklo para makadalo sa pag–eensayo ng larong volleyball kasama ang mga kasapi ng koponan; gayundin sina Julia Barretto at Erich Gonzales, makapanood lamang ng Coldplay concert.
Maging si Anne Curtis ay nakasakay na rin sa MRT upang makauwi o makahabol sa showbiz commitment o panonooring event. Aniya sa kanyang post; “Lapit na ako sa bahay!”

Sina Maine Mendoza at Arjo Atayde man ay pinatos ang pagsakay sa motor ng Angkas upang makaabot sa LANY concert nung Hulyo.

Bonus naman para sa mga pasahero na makasakay ang mga sikat na artista dahil kahit papaano’y naiibsan ang kanilang pagkainip dahil sa presensya ng mga ito.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Mag-post ng Komento

0 Mga Komento