PRRC Sanib Pwersa para sa Manila Bay

Pinangunahan ng Pasig River Rehabilitation Commission - PRRC ang #OctoberCoastalCleanup (OCC) sa BASECO Beach noong Sabado, Oktubre 19, kabalikat ang mga partner nito sa iba’t ibang sektor.

Sa pamumuno ni PRRC Alternate Chairperson at OIC Executive Director Joan A. Lagunda, nagtulong-tulong ang mahigit 1,000 volunteers para sa malawakang paglilinis sa bahagi ng Manila Bay sa BASECO.

Loading...

Katuwang ng PRRC ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Bureau of Fire Protection (BFP), Armed Forces of the Philippines (AFP), National Youth Commission (NYC), Maynilad Water Services, Inc., Reedley International School Philippines, at iba pang grupo mula sa pamahalaan at pribadong sektor. Nagsilbing inspirasyon ito sa ating mga kababayan na ingatan, pangalagaan, at protektahan ang ating mga katubigan.

Patunay ito na sa ating pagkakaisa, makakamit natin ang ating mabuting hangarin para maibalik ang kadakilaan ng Ilog Pasig, Manila Bay, at ating mga katubigan upang hindi na ito pagmulan ng dumi o basura, bagkus ay maging daluyan ng buhay at likas na yaman na magagamit sa libangan, transportasyon, turismo, at kalakalan.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Mag-post ng Komento

0 Mga Komento