Sweldo ni mister hindi na pwedeng kontrolin ni misis!

ais ng isang kongresista na papanagutin ang mga misis o partner na basta kukunin ang ATM card ng kanilang mga mister para makontrol ang sahod nito. Sabi ng mambabatas, maituturing itong "economic abuse" sa pagsasama ng mag-asawa.

"Economic abuse happens kapag financially dependent na lang ang isa sa kaniyang partner... 'yung nawawala na ang kaniyang karapatang tugunan ang kanilang mga sariling pangangailangan," paliwanag ni Rizal Representative Fidel Nograles, may-akda ng panukalang Anti-Violence Against Partner and their Children Act.

Inaamyendahan nito ang Violence Against Women and Their Children Act of 2004 para mapalawig ang sakop ng batas sa iba pang uri ng pang-aabuso sa kanilang asawa.

Ayon sa kongresista, kailangang maisama sa batas ang "economic abuse" dahil hindi umano lahat ng mister ay kumikita ng mas malaki sa kanilang misis o partner, o nagagampanan ang kanilang papel sa tahanan bilang breadwinner.

"'Yung pagkuha ng ATM card kung nasaan ang suweldo, hindi na nabibigyan ng pagkakataon ang mister na mag-decide sa gastusin," sabi ni Nograles.

Paglilinaw ni Nograles, isinusulong niya sa panukala ang gender equality at hindi niya layon pag-initan ang kababaihan.

"Sa batas po natin, kapag ‘yung babae ang hindi binibigyan ng pera ng kaniyang husband, ‘yun yung economic abuse. Pero ngayon, meron kasing mga bagong set up sa pagitan ng husband and wife," paliwanag niya.

Loading...
"Uso na ngayon ‘yung houseband or ‘yung mister na nasa bahay at yung wife o 'yung misis ang naghahanapbuhay kaya puwedeng ma-reverse ‘yung situation na yung husband naman ‘yung umaasa doon sa kaniyang misis sa sustento,” dagdag ni Nograles.

Sa kanilang karanasan bilang abogado, sinabi ni Nograles na nagbibigay siya ng legal na tulong sa mag-asawang may problema. Sa 100 mag-asawa, 12 hanggang 15 sa kanila ay mga lalaking inagrabyado daw ng kanilang misis o partner.

"'Yung macho culture ng ating lipunan, ego [ng mga lalaki] ay mga dahilan po kung bakit nahihirapan silang lumantad," saad niya.


Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Mag-post ng Komento

0 Mga Komento