TULOY ANG KASAL: sumugod sa baha ang ikakasal

Kahit maputik at baha ay hindi nagpatinag ang magkasintahang Joey Nuñez at Gina Cañete na makarating sa kanilang kasal. Kuha ito noong October 26 sa San Isidro sa Toboso Negros Occidental, habang pauwi na ang bagong kasal mula sa simbahan.

Loading...

Kwento ng isa sa mga bisita na si Joy Ann Baquilar, malakas ang ulan noong gabi bago ang kasal. Dahil maputik at mataas ang tubig ay hindi makadaan ang dapat sasakyan nila. Dahil diyan ay nilusong na lang nila ang tubig-baha upang makarating nang mas mabilis sa simbahan. Ayon kay Joy, extra clothes ang suot nina Joey at Gina bago ang kasal, at nagpalit na lang sila ng damit bago ang ceremony.

Pero kahit kalbaryo ang kanilang pinagdaanan, happy ending pa rin ang uwian. Love conquers all, ika nga!

📸: Joy Ann Baquilar

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Mag-post ng Komento

0 Mga Komento