VIRAL: Nanay hinabol ang anak ng nakayapak

Proud na ibinahagi ng isang netizen ang ginawa ng kaniyang ina masiguro lang na hindi siya magugutom habang nasa eskuwela.

Sa viral post ni Carmelo John Delacruz sa Facebook noong October 10, ikinuwento niya kung paano ipinakita ng kaniyang ina ang pagmamahal nito para sa kaniya.

Ayon sa netizen, hinabol siya ng kaniyang ina sa sakayan dahil hindi niya dala ang baon niya sanang pagkain sa eskuwela. Sa pagmamadali pa umano ng ginang na mahabol siya ay nakalimutan nitong magsuot ng tsinelas palabas ng kanilang bahay.

“Flex ko si mama ko. Kaninang umaga nagmamadali ako pumasok dahil male-late na ako, mahirap kasi sumakay at traffic pa,” ani Carmelo sa kaniyang post.

Pagpapatuloy niya, “Tapos ‘di ko namalayan na ‘di ko pala nalagay sa bag ko iyong baunan ko. Laking gulat ko na lang na si mama tumatakbo sa overpass dala yung baon kong ulam at di na nakapag-tsinelas man lang dahil sa pagmamadali para lang ‘di ako magutom sa school.”

Loading...

Aminado si Carmelo na matigas ang kaniyang ulo at madalas silang hindi nagkakasundo ng kaniyang ina. Sa kabila nito, patuloy umano niyang nararamdaman ang pagmamahal ng kaniyang ina sa pamamagitan ng pag-aasikaso nito sa kaniya.

Marami rin ang naantig sa ibinahaging kuwento ng netizen. Tunay nga na kayang gawin ng isang ina ang lahat para lang sa kaniyang anak.

Sa ngayon naman ay umani na ng higit 88,000 reactions at 18,000 shares ang post ni Carmelo sa Facebok.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Mag-post ng Komento

0 Mga Komento