VIRAL: Tubig baha sa Japan tila isang napakalinis na ilog

Naalerto ang mga Hapon, maging ang buong mundo, dahil sa pagtama ng pinakamalakas na bagy0 sa kasaysayan ng Japan sa loob ng anim na dekada. Ilang araw bago ang inaasahang pagdaan ng sama ng panahon sa tinaguriang “Land of the Rising Sun,” ay naubos na ang mga paninda sa iba’t ibang pamilihan bilang paghahanda.

Maliban sa kahandaan ng mga Hapon sa pagdating ng bagy0ng may international name na “Hagibis,” trending rin sa social media ang napakalinis na tubig baha sa Japan.

Makikita sa larawang ibinahagi ni Yuttana Wangmun sa Facebook group na ASEAN World 24 – Southeast Asia Network, na kahit naipon ang tubig sa harap ng mga tahanan sa isang kalye sa Japan, ay kapansin-pansing walang basurang nakalutang dito.

Loading...


Kung hindi batid na may dumaang bagyo sa Japan, aakalain sa unang tingin na ito ay bahagi lamang ng ilog na may nakatayong mga bahay sa paligid. Kahit na bumaha sa ilang bahagi ng Japan, dahil na rin sa lakas ng ulang dulot ni Habagat ay humanga pa rin ang maraming netizens mula sa iba’t ibang panig ng mundo dahil sa disiplinang mayroon ang mga taga-Japan.

Karaniwan na kasi para sa maraming bansa na kasabay ng ragasa ng tubig mula sa naipong ulan ay tangay-tangay nito ang napakaraming basura at karaniwang nangingitim at madumi ang tubig na umaagos. Ang ganitong uri ng tubig baha ay maaaring magdulot ng iba’t ibang karamdaman na dagdag peligro maliban pa sa banta ng masamang panahon.

Sabi ng isang netizen mula sa Thailand, kung ganoong uri daw ng baha ang mararanasan ng iba pang mga bansa ay makababawas daw ito sa alalahanin ng mga residente. Ngunit bago raw mangyari iyon ay kailangan muna ng disiplina sa sarili at wastong pagtatapon ng basura.

Naibahagi na rin ng ilang pages sa Pilipinas ang mga larawan ng napakalinis na tubig baha sa Japan. Siyempre, may kanya-kanyang bitaw ang mga Pinoy sa mga larawang ito at hindi maiwasang ikompara ang kalagayan ng Japan sa ating bansa.

“Malungkot dahil sa dinaranas ng Japan dahil sa bagy0. Pero parang mas malungkot yata ako dahil iyong baha nila ay mas malinis pa kaysa sa mga ilog at iba pang anyong tubig natin dito sa Pilipinas,” pahayag ng isang netizen.

Ang isa naman ay nagkomento na kahit sanay na raw sa baha sa kanilang lugar ay hindi pa rin magawang hindi pansinin ang baha sa Japan. Kung ganoon daw ba ang baha sa kanilang lugar sa Quezon City ay baka magtampisaw pa sila imbes na iwasan ito.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Mag-post ng Komento

0 Mga Komento