8 babaeng 'inilalako' sa group chat nasagip; 'cyber-bugaw' timbog

Image result for 8 babaeng 'inilalako' sa group chat nasagip; 'cyber-bugaw' timbog
Walong babae ang nailigtas ng pulisya at social workers mula sa kanilang pinagtatrabahuhang "spa" sa Mandaluyong at Las Piñas na nag-aalok ng "extra service" sa mga parokyano.

Loading...

Sabay na sinalakay ng mga tauhan ng Philippine National Police-Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) ang mga casa sa Highway Hills, Mandaluyong City at sa Rivera Apartelle, Las Piñas City.

Ayon kay PNP-WCPC officer-in-charge Police Lt. Col. Samuel Mina, nakatanggap sila ng tip na front lang ng 2 establisimyento ang home service spa.

Gamit ang chat application, ipinapadala ng isang alyas "Pat" ang mga malalaswang larawan ng mga kababaihan na nagsisilbing mga masahista.

Nakalagay din dito kung ano ang mga kayang gawin ng masahista kasama ang extra service.

"Kasi nagsi-shift na sila sa home service spa... Walang pangalan 'yung establishment... So mahirap [makakuha ng] search warrant kasi walang pangalan ito," sabi ni Mina.

Anim na babae, kabilang ang 3 menor de edad, ang nailigtas sa casa sa Mandaluyong, habang 2 naman sa Las Piñas, kung saan 1 ang menor de edad.

Nahuli naman ang facilitator ng chat group na si Pat at kakasuhan siya ng paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Mag-post ng Komento

0 Mga Komento