"At tumigil ang bus" konduktor naiwan ng bus na pa-Bataan

Ihinto ang bus!

Viral ngayon sa social media ang hindi sinasadyang pag-iwan ng isang bus sa konduktor nito sa isang stopover sa North Luzon Expressway.

Ayon sa post ni Roby Elean Lacsamana, papuntang Mariveles, Bataan ang kanilang bus nang biglang mapahinto sa expressway.

Nabatid na lang ng drayber ng bus na naiwan ang kanilang konduktor, na bumaba sa isang stopover.


Loading...

Ayon kay Lacsamana, nakabalik naman ang konduktor matapos maisakay ng ibang bus.

"Sakit sa ulo. Pati konduktor nanggo-ghost​," ani Lacsamana, na ipinares ang pahayag sa dalawang laughing emoji.

Umani ng 24,000 reactions, 8,000 shares, at 1,400 commetns ang post ni Lacsamana sa Facebook.

Dahil dito, nagpaalala si Lacsamana na suriin kung kompleto ang bus bago lumarga.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Mag-post ng Komento

0 Mga Komento