Construction worker pinagbabaril sa Taguig, patay

Patay ang isang construction worker matapos pagbabarilin sa Brgy. Bambang, Taguig City, pasado alas-11:00 Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Rogelio Esteban, alyas Elyong, 49 anyos na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo, leeg at iba’t iba pang bahagi ng katawan.

Ayon kay Erika Maglangit, kinakasama ng biktima, nanonood lamang ng TV si Esteban nang may kumatok sa bahay.

Loading...

Pinapasok ni Esteban ang dumating ngunit lumabas sila para mag-usap.

Matapos ito ay nakarinig na bigla si Maglangit ng sigawan at murahan.

Isa pang lalaki ang dumating at sinigawan si Maglangit na pumasok sa loob ng kuwarto.

Ilang sandali lamang ay nakarinig na si Maglangit ng sunud-sunod na putok ng baril at nakita na lamang na nakabulagta ang kanyang kinakasama.

Narekober sa crime scene ang walong basyo ng bala ng kalibre .45 at 10 basyo naman ng bala mula sa 9mm na baril.

Bukod sa mga basyo ng bala, may tatlo ring sachet ng hinihinalang shabu ang nakuha.

Sinabi ni Maglangit na balisa ang si Esteban bago ang pamamaril pero wala namang naikwentong banta sa buhay.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Mag-post ng Komento

0 Mga Komento