Estudyanteng sa dahon nagsusulat ng notes sa klase

Nag-viral sa social media ang kuhang retrato ng isang guro sa kaniyang estudyante sa Lianga National Comprehensive School na nagsusulat sa dahon ng saging imbis na sa notebook.

Umani ng mahigit 4,000 reactions at mahigit 2,000 shares ang post ni Arcilyn Azarcon, na guro ng estudyanteng si Erlande Monter sa Math.

Loading...



Kumokopya si Monter ng mga nakasulat sa kanilang blackboard nang kuhanan ng retrato ni Azarcon.

"[Ang sabi ko] hala bakit ano banana leaf ang sinusulatan mo and then when I look out may banana na nakaputol doon and then sabi ko pinutol mo ba yung dalawang banana? Hindi po ma'am kumuha lang ako ng dahon doon," ani Azarcon.

Wala umanong trabaho ang ina ng bata na si Enriqueta habang kulang naman ang P4,000 kita kada buwan ng ama ni Monter bilang road maintenance worker sa Deparment of Public Works and Highways.

Pangarap ni Monter na maging sundalo kaya ayaw niya aniyang huminto sa pag-aaral.

Hindi inakala ni Azarcon na magva-viral ang kaniyang post.

Marami na raw ang nagpapaabot ng mensahe kay Azarcon na nais tumulong kay Monter.

Malaki rin ang pasasalamat ng pamilyang Monter sa guro na naging instrumento para tulungan ang bata.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Mag-post ng Komento

0 Mga Komento