Mayor Isko Moreno on Jones Bridge beautification: "laway-laway lang"

Inilabas na ang isa sa mga sorpresa ni Manila Mayor Isko Moreno para sa mga Manileno, ito ay ang mga makalumang lampara na tila mula sa Europa.

Loading...

Inilawan na ang mga bagong kabit na makalumang lampara sa kahaban ng Jones Bridge. Ito ay ginawa ng arkitekto na si Jerry Acuzar na isa sa mga arkitekto ng Las Casas Filipinas de Acuzar. Siya ang inatasan ni Mayor Isko para sa pag papaganda ng makasaysayang tulay na Jones Bridge.

Ani ng alkalde, sa kabila ng pagpapaganda ng tulay na ito wala umanong ginastos ang pamahalaang lungsod para dito. Dahil ang mga donasyon ng mga taong may malasakit sa Maynila ang ginamit para sa pagsasagawa ng rehabilitasyon ng tulay.

Marami na rin ang nagsisimulang dumayo at kumuha ng litrato sa bagong itsura ng Jones Bridge. Nitong nakaraang linggo lamang ay may mga magkasintahan na nag pictorial dito para sa kanilang wedding shoot na inaprubahan ni Mayor Isko at kanyang ikinatuwa.

Makakaasa ang mga Manileno na marami pang magagandang bagay ang mangyayari sa Maynila. Umpisa pa lamang ito.

#BagongMaynila

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Mag-post ng Komento

0 Mga Komento