Nasa likod ng bandalismo sa Lagusnilad underpass, ipapadila daw ni Mayor Isko Moreno

"Ipadidila" diumano ni Manila City Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso ang mga bandalismong ginawa ng mga militante sa Lagusnilad Underpass kung sakaling mahuli sila ng mga otoridad.

"Kapag nahuli ko kayo, ipadidila ko sa inyo ito," banta ni Domagoso sa isang ambush interview ng CNN Philippines.

Basahin: Mga bandalismo sa ilang lugar sa Maynila

Loading...

"Ang ganda ganda na eh. Ang linis na. It took 15 years for that underpass to be attended. Nobody attended to that underpass," aniya.

Ang pagbabandalismo ay ipinagbabawal sa ilalim ng Ordinance No. 7971 o ang tinatawag na "Anti-Vandalism Law of 1999.

"Kayo ang nambababoy eh. Hindi makatwiran 'yan. We don't deserve this. The people of Manila don't deserve this," ani Domagoso.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Mag-post ng Komento

0 Mga Komento