Sanggol sa Taguig, tinangay ng yaya

Tinangay ng isang yaya ang babaeng sanggol sa Barangay Bambang, Taguig City, Miyerkoles.

Ayon sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera, bitbit ng yaya ang 5 buwang gulang na sanggol palabas ng bahay.

Loading...

Ayon sa ina ng paslit na si Princess Jean Perrin, natutulog siya at kanyang kinakasama na kapwang panggabi sa trabaho nang mangyari ang insidente.

Nagising na lang anila sila na wala na ang bata at yaya.

Saad pa ni Perrin, wala pang isang linggong naninilbihan sa kanila ang yayang kinilalang si Kristine Joy Salik.

Ayon kay Police Maj. Matron Calyaen ng Taguig City police, posibleng peke ang ginamit na pangalan ng yaya.

Wala ring nakakakilala sa suspek nang puntahan ng mga pulis ang address nito sa Rizal na nakalagay sa Taxpayer Identification Number (TIN) ID at barangay clearance.

Nagpaalala naman si Police Col. Alexander Santos, hepe ng Taguig City police, maging mapagmatyag at mapanuri sa pagpili ng kasambahay at siguruhing mapagkakatiwalaan pati ang nag-alok nito.

Sa may mga kaukulang impormasyon sa kinaroroonan ng bata o ng suspek, maaaring tumawag o magpadala ng mensahe kay Perrin sa 09171790393 o sa Taguig City Police Station hotline na 09395047033 at 86423582.

UPDATE!



Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Mag-post ng Komento

0 Mga Komento