Welga ng mga Manggagawa ng Regent Foods Corporation, Marahas na Binuwag

Pagkondena sa pinakamataas na porma ang inihahayag ng KMU Metro Manila sa marahas at illegal na pagbuwag ng pinagsanib na pwersa ng Pulis at mga gwardya at goons nina Ricky at Susan See sa welga ng mga manggagawa ng Regent Foods Corporation, kahapon ng umaga November 9, 2019. Hindi na nagkunwari pa ang mga elemento ng PNP at harapang ipinakita sa mga manggagawa at mamamayan ang kanilang pagprotekta sa interes ng mga ganid na kapitalista nang kanilang wasakin ang picket line at ipagtabuyan ang mga manggagawang nagtatanggol lamang ng kanilang karapatang makapagtrabaho at mabuhay.


Loading...

Walang legal na batayan ang pagpaalis ng PNP at Regent Foods management sa welga dahil kasalukuyang dinidinig ang labor dispute sa NLRC at NCMB at wala man lang kahit anong dalang atas mula sa DOLE ang dispersal unit ng PNP. Walang hurisdiksyon ang PNP sa labor dispute at sa negosasyon sa pagitan ng mga manggagawa at management ng Regent Foods na sa kasalukuyan ay naka-deadlock. Malinaw na ginamit ng PNP ang kanilang kapangyarihan para supilin at dahasin ang makatarungang pakikibaka ng mga manggagawa ng Regent.
Sa ngayon ay nakakulong ang 24 kasama ang ilang inosenteng nagkataon lang na nasa lugar. Hindi bababa sa 20 manggagawa ang nasaktan at ipinagamot sa ospital. Nakakulong din ang mga paralegal officers ng Defend Job Philippines na sina Gerardo Gaddi at
Carlo Levanta.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Mag-post ng Komento

0 Mga Komento