Ang kwento ng Calle Tramo

Ang Tramo ay linya ng tren o riles ng tren. Noong 1908 ay binuksan ang  riles ng Tranvia mula sa Paco Maynila papuntang Cavite City na dadaan sa Pasay. Ang Tramo Road sa Pasay ay ang daanan ng riles ng trambiyang tren papuntang Cavite.


Ang Tranvia ang pinaka LRT noong unang panahon ng Manila Railroad Company. Ang Meralco ang nag susupply ng koryente sa trambia. Ang riles Tramo ay Maynila-Pasay-Paranaque-Las Piñas-Zapote-Cavite.

Ang mga taga Pasay karamihan ang gumawa at naglagay ng riles ng Tranvia kaya tinawag nila itong Tramo ng matapos ito noong 1907.

Loading...

Ang Tramo ang pinaka busy at tinatawag na Central Station noong unang panahon. Noong 1936 ay huminto na ang serbisyo ng Tranvia dahil sa wala na itong maintenance. Pangalawa ay ginagawa na ang Highway 54 na nakapahalang sa Tramo. At pangatlo, ang pag gawa sa Manila International Airport sa Paranaque na humaharang sa daan ng riles.

Ang Tramo ay Daang Bakal ang tawag ng taga Cavite pagdating sa terminal noon.

May planong muling ibalik ang ruta papuntang Cavite City na gawan ng extension line ang LRT 1.

Ang Calle Tramo ay Aurora Blvd na ngunit hanggang ngayon ay Tramo pa rin ang tawag sa lugar na ito sa Pasay City.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Mag-post ng Komento

0 Mga Komento