DOT: Pilipinas kumita ng 500 milyon sa SEA Games 2019

Kumita ng mahigit kalahating bilyong piso ang Pilipinas sa pagdaraos ng 30th South East Asian Games (SEA Games) sa bansa.

Ayon kay Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, tinatayang nasa 525 milyong piso na ang kinita ng Pilipinas sa pagdating pa lamang ng mahigit 7,000 delegado galing sa iba’t ibang bansa.

Loading...

Inaasahan aniya na mas lalaki pa ang kita ng Pilipinas dahil karamihan sa mga delegado ay nagdesisyong manatili pa at pumasyal sa mga tourist destination sa bansa.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Mag-post ng Komento

0 Mga Komento